-- Advertisements --

Nagpaliwanag na ang Batangas PNP sa ulat na nagkaroon ng paglabag sa minimum health protocols noong bumisita ang dalawang tumatakbo sa pagkapangulo.

Nais kasi ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) na imbestigahan ang nangyaring pagdagsa ng mga tao sa Batangas matapos ang magkasunod na araw na bumisita sina Senator Manny Pacquiao at Manila City Mayor Isko Moreno.

Sinabi ni Batangas police director Colonel Glicerio Cansilao na noong dumalaw si Moreno ay nasunod naman daw ang health protocols dahil lahat aniya ng mga dumalo doon ay mayroong antigen test.

Habang sa pagbisita ni Sen. Pacquiao ay nahirapan ang kapulisan na kontrolin ang mga tao dahil dinagsa ang lugar.

Pero paglilinaw naman niya, hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga tao na sundin ang minimum health protocols.

-- Advertisement --