Roxas City – Patay ang 9 -taong gulang na batang babae matapos na sinagasaan ng multicab sa National Highway ng Barangay Atiplo, Mambusao Capiz.

Kinilala ang driver ng multicab na si Marve Denosta Dumolong, 26 anyos at residente ng Barangay PiƱa, Maayon Capiz.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg. Johnny Delos Santos, imbestigador ng Mambusao Municipal Police Station ay bigla na lamang tumawid ang hindi na pinangalanang biktima matapos tawagin ito ng kanyang lola dahilan na nasagasaan ito ng multicab.

Nagtamo nanamn ng sugat sa ulo ang biktima na agad naman dinala sa Mambusao District Hospital ngunit dineklarang dead on arrival ng attending physician.

Nabatid na umalis ang mag lola upang humingi sana ng mga pamasko mula sa kanilang mga kaanak sa naturang lugar.