CAUAYAN CITY- Nakaalerto na ang pamahalaang panlalawigan ng Batanes dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Ramon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Roldan Esdicul ng Batanes, sinabi niya na handa na ang kanilang tanggapan sa mga maaaring epekto ng bagyo sa kanilang lalawigan lalo na sa Isla ng Itbayat na tinamaan ng lindol noong Hulyo.

Walang nakatira malapit sa mga landslide prone areas at passable pa lahat ng kalsada sa batanes.

Sinuspindi ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan bilang paghahanda sa bagyo.

Ilang araw na ring itinigil ang biyahe ng mga maliliit na bangka para sa kaligtasan ng mga mamamayan.