Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng extreme Northern Luzon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ito kaninang alas-6:32 ng umaga.

Natukoy ang epicenter nito sa layong 49 km sa timog kanluran ng Sabtang, Batanes.

May lalim itong 14 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Bagama’t hindi ito inaasahang makakapagdulot ng malaking pinsala, posibleng masundan ito ng ilang aftershocks.