CAUAYAN CITY- Tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang shoulder bag na naglalaman ng mga pera na nasa loob ng nakaparadang sasakyan sa Brgy Osmeña, Solano.

Ang shoulder bag ay pagmamay-ari ni Jethro Marlowe Juliano, 41, seaman at residente ng Better Living Subdivision, Parañaque City.

Batay sa pagsisisyasat ng Solano Police Station, binasag ng suspek ang salamin ng sasakyan na malapit sa passenger seat at ninakaw ang isang shoulder bag na naglalaman ng mahahalagang dokumento, cheke na nagkakahalaga ng $15,000.00 at cash.

Batay sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, isang tricycle driver ang nakapansin na basag ang salamin ng sasakyan na agad namang ipinagbigay alam sa nagrorondang barangay tanod.