Reading Time: 1 minute
Rep Jamjam Baronda
Rep Jamjam Baronda

Ikinalulugod ni Iloilo City Rep. Julienne “Jamjam” Baronda ang pagkakahalal sa kanya bilang ssistant Majority Leader sa 18th Congress.

Sa isang statement, sinabi ni Baronda na handa siyang tanggapin ang hamon na kaakibat ng karagdagang responsibilidad na ibinigay sa kanya ng liderato ng Kamara matapos ipagkatiwala sa kanya ang isa sa mga posisyon sa kapulungan.

Tiniyak naman din nito na mabibigyan ng kagyat na atensyon at maisusulong ang interes ng kanyang mga nasasakupan.

“This additional responsibility is a challenge that I am taking on to contribute in helping build a greater Filipino nation through a vibrant deliberative democracy,” ani Baronda.

“I thank my colleagues for electing me as Assistant Majority Leader of the House of Representatives,” dagdag pa nito.