Geisler Baron
Baron Geisler/ IG post

Labis ang kasiyahan ng actor na si Baron Geisler matapos isilang na ang anak nila ng asawang si Jamie Evangelista.

Sa kaniyang social media post, makikita ang larawan ng pagsilang ng isang baby girl sa Chong Hua Hospital sa Cebu City.

Agad naman ito binati ng mga fans at ilang kasamahan nito sa showbiz.

Ikinasal ang dalawa noong Setyembre 12, 2019 at noong Oktubre 27 ay inanunsiyo na babae ang kanilang magiging anak at pinangalanang si Talitha Cumilast.