Baron with partner
Apr. 18 photo: jamieevangelista
Throwback coz’ everyone in my newsfeed is in Bantayan or at the beach. 💙 Looking forward to our spiritual retreat tomorrow. 🙏🏼

Isinasapinal na lamang ni Baron Geisler ang magiging petsa ng pag-iisang dibdib nila ng kanyang partner of eight months pa lamang.

Sa isang panayam, inihayag ng 36-year-old actor na pagod na siya sa “party life” kaya nais na bumuo ng sariling pamilya.

Isang psychologist na nagngangalang Jamie Marie Evangelista ang magiging future wife ni Geisler.

“She’s very patient sa akin. Alam niya kung paano ako timplahin. Super happy ako kasi maalaga siya,” saad nito.

Matatandaang madalas masangkot sa kontrobersya si Baron kasabay ng pagiging labas-masok sa rehab center dahil umano sa pagiging alcoholic.

Ilan din sa mga aktres na nag-akusa noon ng pambabastos laban kay Baron ay sina Yasmien Kurdi, Julia Clarete, at Cherrie Pie Picache.