Reading Time: 1 minute
Neymar
Neymar/ IG post

Magtutungo sa France ang mga opisyal ng Barcelona Football Club para planong pagbabalik ni football star Neymar.

Kinabibilangan nina club’s director for football at retired French international Eric Abidal at dalawang mataas na opisyal ng ng Barcelona football Club.

Magpupulong ang nasabing mga opisyal sa ilang mataas na opisyal ng Paris Saint-Germain ang kasalukuyang koponan ni Neymar.

Bukod kay Neymar ay nais din nilang makuha sa koponan sina Philippe Coutinho o si Ivan Rakitic.

Nauna ng kinumpirma ng Paris Saint-Germain na inaayos na nila ang paglilipat ni Neymar sa Barcelona.