CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang barangay kapitan sa pamamaril sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Gani Sangki, 43, may asawa at brgy chairman ng Brgy Tukanalugong, Datu Abdullah, Sangki, Maguindanao.

Ayon kay Isulan chief of police, Lt. Col. Modesto Cabrera na habang papalabas ng bilyaran ang biktima sa General Siongco, St., Brgy Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan sa isang motorsiklo patungong Tacurong City.

Alitan sa pamilya o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pagpaslang na patuloy nilang iniimbestigahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here