Inirekominda ng isang kongresista na mag-deploy ng barangay health workers sa mga transport terminals para matiyak na naipapatupad at nasusunod ang health protocols sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo na kailangan ang mga barangay health workers para matiyak na naipapatupad ang minimum health standards at para magsagawa ng symptoms screening sa mga commuters at drivers.

“Now that public transport is gradually opening up, I believe there is an urgent need to mobilize and deploy more barangay health workers to transport terminals and designated pick-up points within their barangays,” ani Tulfo.

Pero kailangan aniyang bigyan ng sapat na benepisyo ang mga barangay health workers tulad ng honoraria, hazard allowance, subsistence allowance, transportation allowance at non-cash compensation.