33994837 10155706379353237 33295140529373184 n
IMAGE | Atty. Marcley Augustus Natu-el/Facebook

CEBU CITY – Pamilya umano ang naging inspirasyon at susi ng 2nd topnotcher sa nakaraang 2018 Bar Examinations.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Atty. Marcley Natu-el na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwalang bukod sa pagkakapasa sa eksaminasyon ay siya rin ang ikalawa sa may pinakamataas na rating.

Aminado si Natu-el na hindi niya inasahan ang tagumpay.

Sa ngayon plano raw muna ng bagong abogado na sulitin ang pagkakapasa at tagumpay kasama ang pamilya.

Bukod kay Natu-el, pasok din sa Top 10 ang kanyang mga kabarkada na mga law graduates ng University of San Carlos.