World Map FIFA2

Nangangamba ang World Players Association na mas matindi ang magiging epekto ng coronavirus sa career ng maraming mga players

Ayon sa executive director Brendan Schwab kabilang sa delikadong mga atleta na agad na casualties ay ang nalalapit na maging free agents.

Nagbabala pa ito na ang mahabang coronavirus pandemic ay magdudulot ng kawalan ng trabaho sa mga ito.

Una nang nagpatigil ang COVID-19 sa maraming sports sa iba’t ibang dako ng mundo katulad ng 2020 Olympic Games, major European football leagues, ang NBA, MLB at NHL na pawang na-postpone.

Ang 2019-20 Premier League, LaLiga, Serie A, Bundesliga at Ligue 1 seasons ay wala pang kasiguruhan kung kailan ang pagbabalik.

Dahil dito marami ang kabado sa kinabukasan ng mga football players na ang mga kontrata ay magtatapos na sa buwan ng Hunyo.