KORONADAL CITY – Kgagawan umano ni Satanas ang KAPA investment scam, kung saan karamihan sa mga willing victims ay taga Mindanao.

Sinabi ni Professor Habbas Camendan, chairman ng Bangsamoro Mindanao People’s Peace Movement, na base sa Sharia Law anumang uri ng invesment scheme ay ipinagbabawal sapagkat itinuturing itong “riba” sa pananampalatayang Islam.

Aminado din ito na maraming mga Muslim ang miyembro ng KAPA na nadadala umano sa mga matatamis na pangako ng founder na si Joel Apolinario dahil sa kagustuhang makakuha ng 30% na return of investment kada buwan.

Kaugnay nito kinondena din nito ang ilang mga empleyado ng gobyerno at mga abogado na sumasali sa nasabing pyramiding scam dahil isa itong pamamaraan ng pananabotahe sa ekonomiya ng Pilipinas.