-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tuloy-tuloy na ang pamimigay ng second tranche ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga walang cash card na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol katulong ang mga lokal na pamahalaan ng Albay, nakatanggap na ng emergency subsidy na nagkakahalaga ng P3,000 ang ilang mga non-EMV cash card holders ng lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DSWD Regional Information Officer Gie Mesa, mayroon ng latest development para sa magiging payout ng 2nd tranche ng tulong pinansyal sa mga kwalipikado maging sa mga waitlisted na benepisyaryo.

Ayun kay Mesa posible umano na ang bangko na an magsisilbi bilang paymaster ng naturang pinansyal at posibleng hindi na dumaan sa DSWD at PNP.

Subalit digdi pa nito na maghintay lamang sa ipapalabas na abiso sa susunod na linggo kung mayroong pagbabago sa magiging payout ng naturang ayuda.