ILOILO CITY – Patuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Army sa pamilya ng kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na inilibing ng kasamahan at nahukay ng militar sa Barangay Bucari, Leon, Iloilo.
Kinilala ang rebelde kay Alyas Karl, tinatayang 29 anyos at myembro ng Squad 3, Suyak Platoon, Southern Front, Komiteng Rehiyon Panay ng NPA.
Sa panayam ng Bombo Radyop kay Army Captain Kim Apitong, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na nahukay ang bangkay ng rebelde matapos na tinukoy ng rebel returnee na nag-surrender kamakailan.
Ayon pa kay Apitong, sinabi ng rebel returnee na may isa silang kasama na may sakit habang nagsasagawa ng operasyon sa bukid at dahil na rin mapakinabangan, kanila na lamang itong inilibing sa kabundukan ng Leon, Iloilo at hindi ipina-alam sa pamilya.
Agad pinuntahan ng kasundaluhan ang lugar at na-recover ang bangkay na pinaniniwalaang isang taon nang nakalibing.
Na-recover din ang tatlong backpack, 15 mga bala, surgical gloves, sling bag, wires, at charger.