BAGUIO CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Baguio City Police Office (BCPO) para malaman ang nangyari sa isang bangkay ng lalaki na natagpuan sa Balacbac Road, Baguio City.

Ayon kay P/SSgt. Nestimar Taasin, imbestigador ng BCPO Station 10, hindi pa nakikilala ang nasabing biktima.

Sinabi niya na nakasuot ito ng blue maong pants at green na underwear habang wala itong suot na T-shirt.

Ayon sa report, mayroong rosary tattoo sa dibdib ng bangkay at star tattoo sa kaliwa at kanang balikat nito at may sariwang dugo sa ilong.

Dagdag ni Taasin na natagpuan ang bangkay sa malapit na gilid ng kalsada na malapit sa turning point.

Ayon naman sa isang residente sa Balacbac na si Apolonio Dimot, nakita niya ang biktima sa bandang Magsaysay Avenue ng gabi.

Ipinaliwanag niya na nakita niya ang biktima na humahabol sa appat na lalaki at noong nakita niya ito ay wala rin silang suot na T-shirt.

Wala namang sugat na natamo ng biktima kaya’t isinailalim sa otopsiya.