TACLOBAN CITY – Patay na nang marekober ang isang lalaki matapos itong malunod sa Binahaan River sa Tanuan, Leyte.

-- Advertisement --

Kinilala ang biktima na si Eduardo Lipayon, 63 anyos, at residente ng Binungtuan, Tanuan Leyte.

Ayon kay PCapt Bernardo Arcena, hepe ng tanuan MPS, nga noong pebrero 26 nang subukang tawiring ng naturang lalaki kasama ang kaniyang kapatid ang Binahaan River pero dahil sa lakas ng agos ay natangay ito.

Kaagad naman na nagreport ang Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) sa kapulisan kaugnay sa naging kalagayan ng naturang biktima.

Samantala, nakuha ang bangkay ng biktima dalawang araw matapos itong malunod.