TUGUEGARAO CITY – Nahanap na nitong Lunes ang bangkay ng isang batang lalaki, isang araw matapos na malunod habang naliligo sa Cagayan river.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/Msgt. Elmo Purok ng PNP Sta. Maria, natagpuang palutang-lutang sa ilog ang bangkay ng biktimang si Jomel Gatan, 13-anyos, residente ng Barangay Mozzozzin Sur, Santa Maria, Isabela.

Nabatid na naligo ang biktima kasama ang kanyang pinsan sa may bahagi ng San Pablo – Sta Maria overflow bridge nang aksidenteng malunod.