TACLOBAN CITY – Narekober ng mga otoridad ang hindi pa makilalang bangkay ng isang lalaki na palutang lutang sa isang ilog sa bahagi ng Brgy. Maliyaw, Hinabangan Samar.

Ayon kay Melvin Aban, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) ng Hinabangan, nasa state of decomposition na ang bangkay nang makita ito at tinatayang limang araw na itong palutang-lutang sa nasabing ilog.

Dahil rito ay hindi pa rin matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing bangkay.

Sa ngayon temporaryo munang inilibing ang naaagnas na bangkay habang wala pang pamilyang nagki-claim rito.