Nananawagan ang Department of Health (DOH) na ipagbawal na ang paggamit ng e-cigarettes sa bansa bilang wala naman itong positibong epekto sa kalusugan ng isang tao.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na walang patunay sa bisa ng paggamit ng vape o e-cigarettes bilang nicotine replacement therapy at sa katunayan ay magdudulot pa ito ng sakit sa baga.

Sa ngayon, mahigit 1 million Pilipino, o nasa 1 percent ng populasyon ang gumagamit ng e-cigarette ayon kay Dominggo.