Nadiskubre sa balikbayan boxes mula sa Thailand ang ikinubling 63 kilo ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P76 million.
Ito ang tumambad sa mga kawani ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) nang kanilang inspeksyunin ang naturang balikbayan boxes matapos makatanggap ng alerto mula sa CIIS- Manila International Container Port dahil sa pinagsusupetsahan itong naglalaman ng mga iligal na droga.
Ayon sa BOC, ang naturang mga kargamento ay inisyal na idineklara bilang balikbayan boxes at personal effects mula Thailand.
Saad ng ahensiya, isang indibidwal ang nagpadala ng nasabing mga balikbayan boxes sa isang residente ng DasmariƱas, Cavite sa pamamagitan ng Cargo Forwarders.
Kaugnay nito, inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang mga dokumento para simulan ang paghahanap sa mga indibidwal na nasa likod ng naturang mga iligal na kargamento.
Ayon sa BOC, posibleng maharap ang consignees, senders at recipients ng balikbayan boxes ng mga kaso gaya ng prohibited importation and exportation, misdeclaration of goods, and property subject to seizure and forfeiture sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.