Inaprubahan na ng Senado ang resolusyong inisponsoran ni Sen. Bong Go na humihikayat sa Ehekutibo na na bumuo at magpatupad ng “Balik Probinsya” program para sa decongestion ng Metro Manila, isulong ang malusog na regional development at magkaroon ng patas na distribusyon ng kayamanan, livelihood opportunities at economic growth sa buong bansa.

Layunin ng panukala na mas maihanda ang bansa sa pagtugon sa mga pandemic sa hinaharap at kahalintulad na kasong dinaranas dahil sa COVID-19 health emergency.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Sen. Go na dahil sa COVID-19 pandemic, nailantad ang mga perennial problems ng bansa kabilang na ang congestion o siksikan na sa mga urban areas partikular sa Metro Manila.

“Such problem results in a whole lot of other issues, including poverty, economic inequality, traffic jams, environmental issues, among others,” ani Sen. Go.

“More importantly, overcrowding in Metro Manila makes it more difficult to contain diseases here, putting us all at risk for future pandemics,” dagdag ni Sen. Go.

Sa pagdinig, inungkat ng mambabatas ang data ng Department of Health (DOH) na nagsasabing sa kabuuang 8,772 COVID-19 infection cases nitong May 1, 2020, nakapagtala ang NCR ng 5,968 cases o katumbas ng 68 porsyento sa kabuuang mga kaso sa buong bansa.

Iniharap din ng senador ang ang pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) na nagsasabing Metro Manila ang pinaka-congested natural city sa Asya na may populasyong higit sa 5 million.

“Given the nature of the virus and the manner by which it is spread between individuals, highly dense communities in Metro Manila explain why nearly seven out of ten infected Filipinos are found in the nation’s capital.”

“The proposed program is envisioned as a multi-sectoral comprehensive program to decongest Metro Manila by helping stranded workers and OFWs, assisting people who want to relocate to the provinces, and encouraging people to settle down in the provinces for good,” dagdag pa ng senador.