Pinangalanan ngayon bilang program director ng Gilas Pilipinas Youth team si coach Tab Baldwin.

Ito ang inanunsyo ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio nitong Miyerkules.

Ayon kay Panlilio, tutulungan ni Baldwin si Gilas Pilipinas Youth head coach Sandy Arespacochaga sa pagbuo ng koponang isasabak sa mga international competitions ngayong taon.

Si Baldwin ang kasalukuyang head coach ng Ateneo Blue Eagles, at dati ring naging chief tactician ng Gilas Pilipinas.