Epektibo nitong Huwebes, May 18,2017, nag-assume na bilang mga bagong chiefs of police ang limang opisyal at dalawa sa iba pang pwesto.

Batay sa inilabas na orders ng NCRPO ang mga itinalagang police officers ay magsisilbing mga officer-in-charge.

Ito ay ang mga sumusunod:

– SSupt Alex Santos mula R3 siya ay itinalagang OIC ng Taguig City Police Office
– SSupt Allen Ocden from Taguig CPS to Navotas CPS
– SSupt Dante Novicio from Navotas to Muntinlupa CPS
– SSupt Larry Coop from Pasay CPS to San Juan CPS
– SSupt Dionesio Bartolome RPHAU to Pasay CPS
– SSupt Ernesto Salvador from Muntinlupa CPS to R3
– SSupt Villacin RPHAU to OIC, CDDS, EPD

Ang nasabing balasahan ay una nang inanunsiyo ni NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde.

Paliwanag ni Albayalde, ang ipinatupad na revamp ay dahil ang ibang opisyal ay na-promote ang iba ay nagretiro, habang ang iba ay kulang sa performance.