CENTRAL MINDANAO- Humihingi ngayon ng tulong ang pamilya ng isang magsasaka sa Kidapawan City na binawian ng buhay sa evacuation sites.

Nakilala ang nasawi na si Modesto Bayawan Sr,residente ng Sitio Sayaban Brgy Ilomavis Kidapawan City.

Ayon sa anak ni Modesto na si Modesto Bayawan Jr na may sakit na asthma ang kanyang ama.

Nang lumikas sila sa evacuation sites mas lumala ang sakit ng kanyang ama dahil sa sobrang lamig at binawian ng buhay.

Panawagan ni Modesto Jr sa gobyerno at ng LGU-Kidapawan City na silay matulungan para mailibing ng maayos ang kanyang ama.

Matatandaan na nagpatupad ng Forced Evacuation si Mayor Joseph Evangelistadahil sa landslide sa bundok at nagkabitak-bitak na lupa dulot nang lindol sa Brgy Ilomavis.

Wala nang mabalikan na tahanan ang mga residente nang mawasak ito sa tatlong magkasunod na malalakas na lindol.