Fr Nicanor Austriaco
-- Advertisements --

Naniniwala si OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na ang magpapabalik sa normal na pamumuhay ay ang bakuna at antiviral drugs para labanan ang COVID-19.

Sa naging pakikipagpulong nito kay Pangulong Rodrigo Duterte, hinikayat ng padre ang lahat ng mga Filipino na magpabakuna at para magkaroon ng population immunity.

Nanawagan din ito sa gobyerno na paigtingin ang pagbabantay sa mga border para hindi na makapasok pa ang Omicron variant ng COVID-19 na galing sa ibang bansa.

Umaasa na ito na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagbili ng mga gamot laban sa nasabing virus para tuluyang masawata ito at mabawasan ang populasyon ng mga dinadala sa pagamutan.