ROXAS CITY – Nasunog ang bahay ng isang negosyante sa Sanecra Subdivision, Barangay Gabuan, Roxas City kaninang madaling araw.

Sa pagresponde ng Roxas City fire station sa bahay ni Robert Santos 50-anyos, napag-alaman na umalis lamang ito para mamalengke ngunit laking gulat nito ng maabutan niyang nasusunog na ang balay.

Ayon kay Fire Senior Inspector Stephen Jardeleza, Roxas City fire marshall lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng tanggapan na faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog na pinaniniwalaang galing sa loob ng silid ng negosyante.

Napag-alaman na walang natirang gamit at damit si Santos, dahil lahat ay nasunog.