GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang paghahanap ng Pulisya sa mga suspek na nag strafing o namaril sa bahay ng isang barangay councilor na ikinamatay ng dalawang biktima at pagkasugat ng isa pa.

Ayon kay P/Lt. Col. Marvin Dua-dua ng Polomolok Municipal Police Station na nagpatuloy ang manhunt para sa ikadarakip ng mga salarin.

Pasado ala otso ng gabi Oktobre 2 habang kumakain ang pamilya ni Barangay Koronadal Proper Kagawad Aliman Macabangin Jr ng bigla silang pinaputukan ng hindi kilalang mga lalaki na sakay ng motorsiklo.

Hindi naman tinamaan ang Konsehal subalit tadtad naman ng bala ang mga biktimang sina Razil Macabangin at Aserin Magon Macabangin na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Sugatan naman ang maybahay ng biktima na si Jaira Sulaiman Macabangin.

Nakuha sa lugar ang tatlong fired cartidge ng M16 rifle at isang deformed slug.

Tinitingnang anggulo ang personal grudge at land conflict.