LAOAG CITY – Pinasok ng mga hindi pa kilalang suspek ang bahay na pagmamay-ari ng isang pribadong kompanya at kasalukuyang tinitirhan ng isang pulis sa Barangay 23 dito sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Joefrey Crisologo Robles, 33-anyos, naka-assign sa INPPO PIDMB, tubo sa bayan ng Bacarra dito sa lalawigan ng Ilocos Norte pero kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay.

Base sa report, sa pag-uwi ni Robles ay asawa nito ay nagulat sila dahil nakakalat ang kanilang mga kagamitan at nakabukas lahat ang kanilang cabinet at durabox.

Sa pagsiyasat nila sa loob ng bahay ay ndiskubre nilang nawawala ang dalawa nilang laptop na nagkakahalaga ng 38 libong piso at ang naisyu kay Robles na Pistol Taurus TS9 Caliber 9mm na may tatlong magazine na may 42 bala.

Ayon sa PNP, sa kanilang imbestigasyon ay nadiskober nila ang pagkasira ng bakud sa likuran ng bahay at posibleng sa pintuan sa likud ang nagsilbing entrance at exit ng mga magnanakaw.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para makilala ang mga suspek.