strc
Star City/ FB image

Itinaas sa task force bravo ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa bahagi ng amusement park na Star City sa Pasay City.

Nagsimula ang sunog sa “Snow World” pasado 12 a.m. ng Miyerkules.

Mabilis na nakapag-responde ang mga bumbero para maapula ang sunog.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagkakasunog.

Nadamay rin sa sunog ang opisina ng Manila Broadcasting Company (MBC).