-- ADVERTISEMENT --
photo credit to PDEA-Cordillera

BAGUIO CITY – Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang drug group leader at kasama nitong high value target sa buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera sa Coyeesan, San Luis, Baguio City kagabi.

Nakilala ang mga nahuling drug personalities na sina Daniel Tan Cole alyas Tisoy, 41-anyos, negosyante at isang drug group leader dito sa Baguio at kasama nitong si Rachel Anne Ormita alyas Rachel, 29-anyos, walang trabaho at isang high value target.

Nakumpiska mula sa mga ito ang higit kumulang 33 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P224,400.

Nakumpiska din mula sa dalawa ang sasakyan na pinaniniwalaang ginagamit sa transaksion ng mga ito ng iligal na droga.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --