Reading Time: 1 minute
Loakan airport baguio
Baguio City’s Loakan Airport (Wiki photo from T/Sgt David N. Craft)

BAGUIO CITY – Tiniyak ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na walang dapat ipangamba ang mga airline stakeholders na mamumuhunan para sa Loakan Airport sa City of Pines.

Aniya, mayroong mga ginagawang hakbang para hindi magiging problema sa mga biyahe ang kalagayan ng panahon sa Baguio City.

Binanggit ng alkalde na matagal nang may mga airlines na nagkumpirma na magbibigay ng serbisyo sa mga pasahero kapag tuluyang nang mabuksan ang Loakan Airport sa 2020.

Inihayag pa ni Magalong na maraming nahihikayat na mamuhunan sa nasabing paliparan dahil sa ganda at pagiging maluwang nito kumpara sa iba pang local airports.