Reading Time: 1 minute

DAGUPAN CITY- Patay ang isang bagong tukoy na drug personality sa bayan ng Binmaley, Pangasinan matapos manlaban sa mga police sa isinagawang drug buy bust operation.

Kinilala ang suspek na si Joseph Fernandez alyas Bads, residente ng Libsong, Lingayen at nagrerenta sa bayan ng Binmaley.

Ayon kay Police Major Danilo Perez, deputy chief of police sa bayan ng Binmaley, bago ang insidente ay nakabili ang asset ng PNP ng isang sachet ng shabu sa suspek.

Sumunod ay pinuntahan sa nirerentahang bahay ng suspek upang makipagtransakyon.

Pero nang nahalatang police ang kanyang ka transaksyon ay agad itong bumunot ng baril at nagpaputok.

Maswerte namang walang tinamaan sa hanay ng mga pulis.

Doon na gumanti ang mga pulis kaya ito ay nabaril. Agad na dinala sa ospital ang suspek pero deneklarang dead on arrival. Narekober sa crime scene ang basyo ng caliber 45, isang magazine at limang live ammunition.

Napag-alaman na bagong tukoy na drug personality ang suspek sa bayan ng Binmaley pero may record na ito kaugnay sa illegal na droga sa ibang bayan.

Nabatid na modus niya ay magpapasabong ng manok sa kanyang nirerentahang bahay pero sa likod nito ay may sangkot na droga.

Sa ngayon ay inaalam ng kapulisan kung may ibang mga kasama ang suspek.