KALIBO, Aklan – Pinaghahanap na ngayon ng awtoridad ang mga magulang ng sanggol na nakitang palutang-lutang at wala ng buhay sa ilog na sakop ng Sitio Himbis, Barangay Lalab, Batan, Aklan.

Ayon kay Punong Barangay John Dela Cruz, nakita ang bagong silang na sanggol na lalake na nakadapa sa ilog at may galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakasabit pa umano ang pusod nito at pinaniniwalaang wala pang 24 oras na nakaloblob sa tubig ang sanggol.

Maaari aniyang natakot ang ina ng sanggol na malaman ng kanyang mga magulang na nabuntis ito kaya itinapon sa ilog ang bata.

Ang naturang insidente ay kasalukuyang iniimbestigahan ng Balete PNP.