-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Uupo na bilang bagong Prime Minister si Fumio Kishida ng Japan sa Oktubre 4 matapos manalo sa leadership race ng ruling Liberal Democratic Party.

Magugunitang si Dating Minister For Foriegn Affairs Kishida ay tinalo ang kanyang pinakamahigpit na nakatunggaling sikat na Vaccine Czar ng Japan na si Taro Kono sa isang run-off vote.

Papalitan ni Kishida si outgoing Prime Minister Yoshihidi Suga.

Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Miles Briones Beltran na bukas ay magkakaroon ng special session ang Parliamento ng Japan para sa pag-upo ng kanilang bagong Punong Ministro.

Malaking hamon din kay Prime Minister Fumio Kishida ang paglaban sa COVID-19 at ang pag-angat ng kanilang ekonomiya na lubhang naapektuhan ng pandemya

Tiniyak ni Kishida na hindi lamang niya pakikinggan ng hinaing ng mga grupo sa Japan kundi pakikinggan din niya ang hinaing ng bawat mamamayang hapon.