Itinalaga ngayon bilang bagong hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) – Western Command ang dating naval commander ng Western Mindanao Command na si Vice Admiral Rene Medina.

Nitong araw nang i-turn over ni Commodore Dorvin Jose Legaspi ang tungkulin matapos pangasiwaan ang Wescom sa loob ng ilang buwan.

Dinaluhan ito ni AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal Jr.

Mandato ng Wescom na bantayan at mag-patrolya sa West Philippine Sea.

Ito rin ang pinaka-malaking naval operating force sa ilalim ng Philippine Navy.