-- Advertisements --
Hinihintay na sa ngayon ng mga pribadong ospital sa bansa ang applications ng mga bagong nurses sa bansa.
Sinabi ito ni Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) president Jose Degrano sa harap ng kanilang paghahanda para posibilidad na magkaroon ng panibagong surge sa COVID-19 cases bunsod ng Delta variant.
Nauna nang sinabi ni Degrano na dati pa namang nakahanda ang mga pribadong ospital kasama ang mga government facilities para sa mga COVID-19 cases.
Pero ang kinakatakot aniya nila ay magkatotoo ang surge katulad ng sa Indonesia at India kasi baka hindi aniya kakayanin ito ng kanilang hanay.
Kaya naman umaasa sila na ang mga nurses na bagong nakapasa sa licensure examinations ay talagang mag-apply din sa mga ospital sa bansa.