Hanggang bukas pa umano, September 4, magdudulot ng mga pag-ulan ang Bagyong Liwayway.

Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), partikular na uulan sa Apayao kasama na ang Cagayan, Babuyan Group of Islands at ang Batanes na nasa signal No. 1 pa rin.

Huling namataan ang sentro ng bagyo kaninang alas-10:00 ng umaga sa layong 250 kilometro sa silangan timogsilangan ng Calayan, Cagayan; o 205 kilometers sa silangan ng Basco, Batanes.

Taglay na nito ang hangin sa lakas na 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at bugsong aabot sa 115 kph.

Kumikilos ito sa direksyong pa-timog timogkanluran sa bilis lamang na 10 kilometro bawat oras.

Maliban kay Bagyong Liwayway, nakakaapekto rin ang southwest monsoon o habagat sa Luzon kabilang ang Metro Manila.

“Meron tayong isang binabatayang low pressure area (LPA) although nasa labas pa ito ng PAR (Philippine area of responsibility). Inaasahang paglabas ng PAR ng bagyong si Liwayway, siya namang pagapsok ng PAR ng (bagong) low pressure area),” saad ni Jun Galang ng PAGASA.