CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala ang isang dating mambabatas at kapwa Magdalo representative ni former Sen. Antonio Trillanes IV na si Gary Alejano na mababasura lang ang panibagong kaso na inihain sa dating senador kaugnay ng issue sa “Ang Totoong Narcolist” video.

Kasunod ito ng court order na nagpa-aresto kay Trillanes at ilang opposition officials na sangkot sa kasong conspiracy to commit sedition.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Alejano na mahina ang reklamo laban sa former senator at iba pa bilang una ng nabasura ang sedition case ng mga ito.

Kapansin-pansin umano ang pagpilit ng mga kaalyado ng administrasyon para idiin ang mga inaakusahan.

Para kay Alejano, tila pursigido ang gobyerno na gipitin ang mga kritiko nito para sumunod sa patakaran ng administrasyon.

-- Advertisement --