Reading Time: 1 minute
KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

GENERAL SANTOS CITY – Pursigido ang isang mangingisda sa Sarangani na sampahan ng kaso ang founder at mga opisyal ng KAPA Community Ministry International Inc.

Sa panayam ng Bombo Radyo, ikinwento ng hindi na pinabanggit ang pangalan ng complainant kung paanong nakuha ng KAPA ang loob nito at mga kapwa mangingisda na mag-invest.

Nagsimula raw sa P10,000 ang kanilang ipinasok pero mula noon ay wala pa silang natanggap na return of investment gaya ng ipinangako ng grupo.

Nagpasalamat ang nagpakilalang biktima na malaking tulong ang pagtutok ng Bombo Radyo sa kaso hanggang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagdeklara ng laban kontra sa KAPA.

Kaugnay nito nanawagan ang mangingisda kay KAPA founder Pastor Joel Apolinario na ibalik ang pera kung talagang lehitimo ang operasyon.

Una nang naghain ng kaso ang Securities and Exchange Commission, NBI at ilan pang KAPA members laban kay Apolinario at mga opisyal.