BACOLOD CITY – Titiyakin ng bagong talagang head coach ng Touch Football national team na makakapasok ang Pilipinas sa World Cup 2023.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay head coach John Beesely, layunin niyang tipunin ang mga interesadong indibidwal at ang mga nakapaglaro na ng touch football upang maging parte ng national team.

“We’re spreading out all over the Philippines and there’s really not much we can do except look forward to getting back to training and running and I think a lot of people are doing little bits of exercise that they can in their own homes but we really need a bit of grass to train properly for touch,” ani Beesely.

Inaanyayahan naman ni Beesely ang mga interesadong manlalaro panoorin sa online ang naging performance sa World Cup noong isang taon at para na rin magkaroon ideya ang ilan sa touch football.