COVID patients people hospital crowd Modular DPWH
-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 4,806 na karagdagang kaso ng COVID-19, mas mataas kumpara sa 3,656 lamang noong Miyerkules.

Mayroon ding 5,934 na bagong gumaling at 260 naman ang pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.4% (65,835) ang aktibong kaso, 96.1% (2,633,039) na ang gumaling at 1.50% (41,237) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 19, 2021 at lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Nagkaroon naman ng 64 duplicate entries, kaya ito inalis sa total case count.

-- Advertisement --

Lumalas na 51 sa kanila ay naka-recover na nitong mga nakaraang araw.

Maliban dito, may 175 cases naman na dating nasa kategorya bilang recoveries ang natuklasang pumanaw na matapos ang final validation.