Bigla na lamang umusok ang isang Bagon ng MRT-3 ngayong umaga ng Linggo pasado alas-10:00 ng umaga.

Dahil sa insidente lahat ng pasahero ay pinababa.

Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez na nangyari ang insidente sa gitna ng Araneta at Kamuning northbound stations.

Naganap ang pag-usok ng isang bagon sa tapat ng Nepa Q-Mart sa pagitan ng Cubao at Kamuning stations.

Dahil sa insidente, nilimitahan ang biyahe ng MRT mula Shaw Avenue hanggang Taft Avenue stations.

As of 11 a.m. ngayong umaga, balik na sa normal ang biyahe ng MRT.

Iniimbestigahan na ng MRT-3 management ang insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here