Walang magiging pagbabago sa posisyon nina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy at Southern Luzon Command (SolCom) Commander Lt. Gen. Antonio Parlade at mananatiling tagapagsalita ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa isang kalatas, binigyang linaw ni Badoy na hindi sila pinatitigil ni Naitonal Security Adviser Hermogenes Esperon sa kanilang trabaho bilang tagapagsalita ng grupo.

Ang tanging utos lamang aniya ni Esperon ay dapat hindi na sila magsalita sa usapin ng community pantry dahil nailabas na nila ang kanilang saloobin.

Pagtitiyak nito na patuloy pa rin na kanilang gagampanan ang paglalantad sa mga maling gawain ng mga CPP-NPA.