Reading Time: 2 minutes

Nakibahagi ang ilang mga Pinoy sa Las Vegas para mag-alay ng maiksing panalangin para sa laban ni Senator Manny Pacquiao kontra kay Keith Thurman.

jemuel pacquiao son
Jemuel Pacquiao

Isang religious leader mula sa Amerika ang nanguna para mag-pray over kay Pacman at sa pamilya nito.

Liban din nito, habang nasa Amerika nga si Manny ay bahagi pa rin ng aktibidad nito ang bible study.

Bago ito bumuhos din ang mga supporters ng Pinoy icon sa ginanap na weigh in sa MGM Grand Arena at sinasaksihan ng mga ito kung paano pumasa sa welterweight limit sina Pacquiao at Thurman sa 146.5 pounds.

Ilang mga Pinoy din ang “nang-boo” kay Thurman dahil pa rin sa walang tigil nitong pang-aasar o thrash talk.

Michael pacquiao son

Para naman kay Pacman, ipinakita niya na hindi siya pasisindak sa mas batang kampeon.

Nakipagsabayan si Manny sa ginanap na staredown o tinginan mata sa mata na inabot ng halos isang minuto na ikinatuwa ng mga fans at international press.

Nang makapanayan naman ng Bombo Radyo ang isa sa mga anak ng Pinoy ring icon na si Emmanuel “Jemuel” sinabi nito na sa hula niya ay pababagsakin ng kanyang tatay si Thurman sa loob ng 10 rounds.

Si Jemuel, 18, ay nagsisimula na rin sa kanyang amateur boxing career upang sumunod sa yapak ng kanyang sikat na ama.

Jinkee pacquiao twin janet jamora