CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy na hinahanap ng Talisayan Municipal Police Station ang ulo ng isang babaeng pinugutan at pinatay ilang metro ang layo mula sa sementeryo ng Brgy. Punta Santiago, Talisayan, Misamis Oriental, kaninang madaling araw.

Binanggit ni Police Captain Maribeth Ramuga, hepe ng Talisayan Police Station na posibleng pinatay muna ang biktima sa loob ng menteryo at hinila ang katawan nito malapit sa national highway upang makita ng mga residente.

Aniya, wala nang pang-itaas na saplot ang babaye na tinatanyang nasa dalawampo hanggang 25 taong gulang at nasa 5’8 feet ang taas.

Nakita sa katawan ng biktima ang tatlong tama ng pananaga sa kanyang likod.

Naniniwala si Police Captain Ramuga na posibleng matinding galit ang ugat ng krimen.