ILOILO CITY – Sinunog umano ng babaeng may sakit sa pag-iisip ang kanilang bahay sa Barangay Punong, Lapuz, Iloilo City kung saan dalawa ang totally burned kasama ang bahay nito at tatlo naman ang partially burned.

Ang babae na tinuturong nagsunog ng kanilang bahay ay kinilalang si Ruth Magarse.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Benjie Bagtong, kapitbahay ni Magarse, sinabi nito na nag-umpisa ang sunog sa bahay ni Magarse kung saan kasama nito ang kanyang ina.

Matagal na umanong nagbabanta si Magarse na susunugin nito ang kanilang bahay.

Napag-alaman na sinubukan ding sunugin noon ni Magarse ang kanilang bahay ngunit madali itong naapula.

Sa kabila nito, nilinaw naman mi SFO2 Edison Gimoteo, chief arson investigator ng Bureau of Fire Protection-Iloilo na patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring sunog.