samar calbayog biliran northern samar eastern samar

(Update) TACLOBAN CITY – Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang mga responsable sa pagbaril-patay sa isang babaeng dentista sa Barangay Rawis, Calbayog City, Samar kahapon.

Una nang kinilala ang biktima na si Dr. Vicky Romhur, 69, residente ng naturang siyudad.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan sa Calbayog, pauwi na sana ang naturang biktima sakay ang kaniyang Mitsubishi Strada nang bigla itong harangan ng hindi matukoy na mga gunmen at saka binaril ito sa kaniyang mukha nang maraming beses.

Tinitingnang anggulo naman ngayon ng mga otoridad ang kaugnayan sa hindi pa maresolbang pagkakapatay din sa kaniyang kapatid na si Catherine Romhur Johnson noong nakaraang taon.

Patuloy ding inaalam ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pagpatay sa naturang biktima.