-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang babaeng college student matapos itong magpakamatay sa Cotabato City.

Sa nakalap na impormasyon, ang biktima ay kinilalang si Sheneil Jordan, dalaga, Criminology Student at residente ng Northern Kabuntalan, Maguindanao.

Ayon sa ilang mga kakilala ng biktima, depresyon ang naging sanhi kung kaya’t kinitil nito ang sarili niyang buhay.

Nagdadalamhati sa ngayon ang pamilya at kaibigan ni Jordan at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.